Buti na lang.

Pasko na naman pala. Ang bilis ng panahon. Ang daming nagbago. Sa buhay ko. Mula nung nawala ka. Alam mo bang magaganda lahat ang nangyari? Marami dun masasaya kahit nakakapagod. Tanda ko pa noong bago pa lang tayong wala, sobrang lungkot ko noon. Walang makausap. Kasi alam kong nagsasawa na silang makinig. Sa kwarto lang ako palagi. Nakikipag-usap sa nag-iisang hindi magsasasawa kahit kailan. Umiiyak. Humahagulgol. Pinipilit balikan ang noon. Umaasa. Nagsusumamo. Pinipilit ang Diyos na pabalikin ka. At bumalik ka nga. Pero para saktan lang ako ulit. Ang dami kong hindi nasabi. Parang ang dami kong hindi napatunayan sayo. Na masaya ako kahit wala ka na. Na nakabangon ako at nakalimutan ka na. Na mas maganda ang naging takbo ng buhay ko buhat nang nawala ka. Pero hindi ko nasabi. Hindi ko napakita. Bagkus, hinayaan kong hawakan mo ang kamay ko. Hindi ko napigil ang luhang pumatak ng mapagtanto kong hindi na talaga maaari. Nang hayaan kong yakapin mo ako kahit sa huling pagkakataon. Tapos, bigla ka na ulit nawala. At natapos ang lahat.

Masakit pa rin. Malungkot pa rin. Mahirap pa rin tuwing naaalala ko. Pero buti na lang nangyari. Buti na lang iniwan mo ko. Buti na lang nagsawa kang umintindi. Buti na lang naramdaman mong nasasakal ka na. Buti na lang umalis ka sa Pinas at nangibang-bayan. Buti na lang nakatagpo ka kaagad ng bagong mamahalin dahil baka umaasa pa rin ako hanggang ngayon kung hindi. Buti na lang. Nagbago ang lahat. Sa buhay nating dalawa.

Masaya ako para sayo, alam mo ba yun? Kasi alam kong masaya ka na. Sa bago mong buhay. Malayo sa akin. Sana dumating din yung panahon na maipakita ko sayo na hindi ka nagkamali sa pag-iwan sakin. Kasi naging matatag ako. Naging palaban. Mas lalong tumibay ang pananampalataya. Mas lalong naging masaya. Sana masabi mo rin na “mabuti na lang iniwan ko siya, hindi pala ako karapat-dapat sa kanya.”

Advertisements

About aimesdedieu

Traveler, Software test engineer, worshiper, follower of Christ. Jesus is my everything.
This entry was posted in Vulnerability. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s